Angela Ken Simula Ngayon. Скачать
Текст песни
Naranasan mo na bang magduda
Kung may halaga ang lahat ng pinaghihirapan mo?
Kung sapat bang gan'to o ipilit pa?
Kasi baka mayro'ng mas maganda
'Di na mapinta ang nais ng puso
Kung p'wede lang alamin ang damdamin
'Yung sigurado't hindi alanganin
Kung p'wede lang isigaw sa alapaap ang lahat
Simula ngayon
Hahakbang ng walang alinlangan
Simula ngayon
'Di magdududang ikaw ang sandalan
Napagtantong 'di na lilingon sa kahapon
Simula ngayon
Simula ngayon
Naranasan mo na bang mapagdudahan
At talikuran ng mundo't
Sila'y ni minsa'y 'di bumilib sa'yo?
Pero sino ba sila para pakinggan nimo?
Sino ba sila para pakinggan ko?
Kung p'wede lang alamin ang damdamin
'Yung sigurado't hindi alanganin
Kung p'wede lang isigaw sa alapaap ang lahat
Kaya simula ngayon
Hahakbang ng walang alinlangan
Simula ngayon
'Di magdududang ikaw ang sandalan
Napagtantong 'di na lilingon sa kahapon
Simula ngayon
Simula ngayon
'Di mapapangakong 'di maibubuhos
Sa maling tao ang tamang pag-ibig
Ngunit siguradong 'di na mauubos
Ang pagmamahal ko sa'king sarili
Simula ngayon, Ohh
Simula ngayon, Ohh